banner

Friday, July 4

Kapag nakainom.. nakainom.. ^^

Naginuman sila sa terrace. Medyo matagal tagal din silang hindi nagkita. Para sa kanilang apat, it was long-overdue.

"Tsk.. wala nang yosi... Bili ka pa nga!" sabi ni Igno habang inaayos ang table para sa inuman nila.

Bumaba si BamBam para bumili na rin ng chaser.

Ayaw man mag pa-obvious, lakad ng lakad pa rin si Cubix. "Ano ba problema mo?" puna ni Kyuubi.

"Wala.. alis na'ko agad.. may lakad pa'ko.."sagot ni Cubix.

Napaupo si Igno. "Nakanampuch... Ano ba'yan? Wag ka na! Minsan lang 'to! Di mo ba'ko namiss?"


"Namiss." sagot ni Cubix.

"O? Eh bakit aalis ka kaagad?"

"Importante 'to, exam namin."

Napakamot si Kyuubi. Dumating na din si BamBam.

"Ano ba yan! Exam na naman? Graduate ka na ah!"

"Engks.." sabat ni Cubix. "Training 'to. Free English training."
Napakunot si BamBam.

"Bakit, 'pag umabsent ka ba 'dyan, wala ka ng makukuhang certificate?" tanong ni BamBam.

Natigilan si Cubix. Mukhang ayaw paawat sa tanong. Nanahimik nalang si Igno.

"Meron naman.. Kaso, exam 'to. Kaya yung isang certificate 'ndi ko makukuha."

Umiral ang logic ni Kyuubi. "Teka, Cubix. Tanong ko lang, ano ba ang makukuha mo 'dyan?"

"Learning. Accreditation!"

"Ows? Accredited ka na ah, tapos ka na! Learning?" dugtong ni Igno. "Learning lang pala eh, mag english-an tayo dito o! How come because we are!"

Naki-join na rin si BamBam. "Why is the because?"

Napuno ng tawanan ang terrace. Infuriated man ay napangiti na rin si Cubix. Although he never gave up on the idea na aalis talaga siya and everyone knew na aalis nga talaga ang mokong.

'Di bale. May next time pa.

"So, let's start." BamBam uncorked the green label he brought from home.

"Naks... amoy pa lang, plakda na si Igno." Kyuubi commented as they all eyed the now cowering Igno.

"Alam n'yo naman na I don't drink. " Igno defended as he lights a cigarette, the smell of the shot reaching his nose. "Yuck! Pucha, nasusuka na 'ko aga--"

"Oy, aalis nako!" Cubix interrupted. Nagmamadali talaga ang mokong!

"Ano ba yan? Tagay muna! Paikutin naman natin 'to!" sabat ni Bambam.
Napaupo din si Cubix.


----
Nangawit ka Kuya? Bitin eh! Ayusin mo nga!

No comments: